TATLONG ARAW NA KASIYAHAN
Noong Agusto 28, 2019 ipinagdiriwang ng Philippine Science High School- Central Mindanao Campus ang 21th Foundation day.
Ang PSHS-CMC ay may motorcade na siyang pinangungunahan ng PSHS-CMC FPTA. Nag-simula ang motorcade eksaktong 6:30 ng umaga. May mga sundalo at mga polisya na gumagabay sa amin. May banda ng musika din na sumama, na siyang nag bibigay buhay sa aming parada.
Nang dumating kami sa aming kampus, mga 7:00 ng umaga, sinalubong kami ng mga interns ng isang masigabong palakpakan. Nang nakarating na kami sa aming mga silid-aralan, kami ay nag-handa sa aming mga buhok dahil magaganap na ang Bench Cheering Contest pag-katapos ng thanks-giving mass.
Pag-pakain ng mga FPTA parents sa mga iskolar |
Nag-simula ang thanks-giving mass 8:00 ng umaga. Pinangunahan ito ng isang pribadong pastor na siya ring nangunguna sa misa noong nakaraang pasukan. Pagkatapos ng misa, binendisyonan ng pastor ang mga bagong istraktura na wala pa na bendisyunan. Kabilang na dito ang bagong students lounge, SLRC , stock building at iba pa.
Pag-bendisyun ng mga Bagong Istraktura |
Intemerata '23 nag-handa sa Bench Cheering |
Habang sinasagawa ng mga faculty, staff at pastor ang pag-bendisyon ng mga istraktura, sinimulan na namin ang Bench Cheering Contest na nagaganap sa PSHS-CMC Multi-Purpose Gymnasium. Ang Bench Cheering Contest ay konektado sa Sports Festival. Naunang nag-presenta ang Grade 8 ( Batch Omnichronix) , sumunod ang Grade 9 (Batch Intemerata), sumunod naman ang Grade 12 ( Batch Encalypta Exemius), sumunod din ang Grade 11(Batch Conexus Enomenos), tapos ang Grade 7
(Batch Sapphirians), pang-huli naman ang Grade 10 (Omnia Paratus).
(Batch Sapphirians), pang-huli naman ang Grade 10 (Omnia Paratus).
Conexus Enomenos '21 nag-sipaghanda sa Bench Cheering |
Omnichornix '24 at Saphira '25 nag handa sa Bench Cheering |
Pag-katapos ng bench cheering, pinapakain muna kami ng aming lunch. 1:00 ng hapon, opisyal na nag-simula ang Sports Festival. Ang dami-daming mga aktibidad na isinagawa. Habang nag-lalaro ng basketball, volleyball, badminton at ultimate frisbee, isinigawa rin ang contest na “salin-awit”. Ang representa sa aming batch ay sina Maria Louisa Tria at Shalliane Maglasang. Kinanta nila ang “Little Do You Know” na kinanta nila Alex and Sierra. Marami ring kumanta ng mga low-key na kanta ngunit nakaka-attract ng mga manonood. Kagaya nina Kim Tablon at Amina Mindalano (Batch Omnichronix '24) na kumanta ng “No Matter Where You Are” ng Us the Duo. Nanalo naman ang Batch Intemerata (Grade 9) sa "Salin-awit". Second Place naman ang Batch Omnichronix at 3rd Place ang Batch Omina Paratus/Bolinaw. Ang grupo na nag-wagi ay mag-intermisyon sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika.
Nag-lalaro naman ang Grade 9 at Grade 10 sa ultimate frisbee at nag-wagi ang Grade 9 sa iskor na 6-2. Pagkatapos ng mga laro, umuwi na kami para naman sa pag-hahanda para sa Day 2 na siyang, Sports Fest.
Noong Agusto 29, 2019, ipinagdiriwang ng Philippine Science High School- Central Mindanao Campus ang Sports Festival.
Pagdating ng bus sa paaralan. Dumeretso kami lahat sa gym para mag-warm up sa mga upcoming na mga laro. Hindi namin inaasahan na ang FPTA ay nag-sagawa pala ng zumba para sa amin lahat.
Ang una ay, ipinapakita kami ng video mula sa “live, love, party”. Dedma lang kaming lahat sa mga video na ipanapakita dahil wala kaming natangap na instruction. May iba namang estudyanta mula sa iba't- ibang mga baitang na sinasabayan ang zumba. Ilang minuto pa ay pinatigil na kami ni Ma'am Jasmine Esperante, ang aming CID chief, sa pagawa ng mga bagay-bagay. Dumating naman ang isang professional Zumba Instructor na nag-lead sa zumba namin.
Habang isinasagawa ang Amazing race, nag-lalaro din ang iba ng mga sports.
Nag-suot ng mga Katutubong Kasuotan at mga Modernong Pilipinyana ang mga Guro pati na rin ang mga kabaatan ng PSHS-CMC.
Kinoronahan bilang Lakan at Lakambini 2019 sina Valerie Yuson (Batch Bolinaw '22) at Kyle Ocsio (Batch Encalypta '20). 1st runner up naman sina Julia Barrera (Batch Conexus '21) at Warrien Acut (Batch Intemerata '23) habang 2nd runner up naman sina Geovan Monera (Batch Encalypta '22) at Fiorella Aniceto (Batch Intemerata '23).
Namigay din nang mga kakanin ang FPTA para sa amin lahat at nag-conduct ng pictorial by batch.
Habang wala na kaming magawa, nag-picture naman kaming mag-barkada para may remembrance kami sa masayang araw.
Conexus '21 vs. Encalypta '20 Basketball Girls |
Noong Agusto 29, 2019, ipinagdiriwang ng Philippine Science High School- Central Mindanao Campus ang Sports Festival.
PSHS-CMC Zumba at PSHS Gymnasium |
Pagdating ng bus sa paaralan. Dumeretso kami lahat sa gym para mag-warm up sa mga upcoming na mga laro. Hindi namin inaasahan na ang FPTA ay nag-sagawa pala ng zumba para sa amin lahat.
Ang una ay, ipinapakita kami ng video mula sa “live, love, party”. Dedma lang kaming lahat sa mga video na ipanapakita dahil wala kaming natangap na instruction. May iba namang estudyanta mula sa iba't- ibang mga baitang na sinasabayan ang zumba. Ilang minuto pa ay pinatigil na kami ni Ma'am Jasmine Esperante, ang aming CID chief, sa pagawa ng mga bagay-bagay. Dumating naman ang isang professional Zumba Instructor na nag-lead sa zumba namin.
Conexus '21 Amazing Race |
Ilang minuto ang nakalipas ay nag-simula na ang Amazing race. Bago ang mga rules sa Amazing race sapagkat hindi naituturing panalo ang grupong unang natapos kundi, okay lang na matagal kayong natapos basta malaki ang puntos na inyong nakuha sa bawat istasyon. Mukhang nahirapan naman ang mga estudyante sa pag-perform ng mga bawat task sa istasyon.
“Grabe kakapoy jud, dili cya pares sa Amazing Race last year” (translation: Nakakapanibago talaga, hindi sila mag-kaparehos sa Amazing Race na ating nasaksihan last school year) sabi ni Stacey Marie Sumagang. (Batch Intemerata '23)

Intemerata '23 vs. Bolinaw '22 |
Habang isinasagawa ang Amazing race, nag-lalaro din ang iba ng mga sports.
Nauna nag-laro ang Grade 9 vs. Grade 10, volleyball girls at iba pang-isport katulad ng badminton at basketball. Mahigpit ang labanan namin laban ang Grade 10. Nanalo ang Grade 9 girls sa first set, at nanalo naman ang Grade 10 girls sa second set. Nag-karoon ng third set ang volleyball at nanalo ang Grade 9 girls. (Players: Lianne Simprota, Mica Bulawin, Trisha Bation, Leslie Satiniaman, Zaheera Taneca, Sanjeda Lucman at Fiorella Aniceto).
Intemerata '23 vs. Bolinaw '22 |
Nasunod nag-laro ang Grade 9 vs Grade 10 volleyball boys. Mahigpit din ang labanan ng dalawang baitang dahil hindi talaga inaasahan ang pag-accelerate ng iskor ng Grade 9. Nanalo ang Grade 10 boys sa 1st set, nanalo naman ang G9 boys sa 2nd set at 3rd set. (Players: Shan Olino, Marco Silao, Dominic Picar, Carlou Supang, Chauncey Rojo, Juross Gallegos, Jonas Paran, Carl Dadang, Hussein Lao, Hamza Ranao, Somayel Ansari).
Badminton Boys: Conexus vs. Encalypta |
Nanalo din ang Grade 9 sa Badminton Singles sa pag-lalaro ni Chauncey Rojo.
Para sa akin, maikli lang ang araw na iyon kasi pag-katapos kong mag-laro ng volleyball, wala na kaming ginawa pa kundi ang tumambay, tumambay at kumain. Hindi na ako nasisiyahan pa sa mga aktibidad na ginawa pag-kahapon kasi, yun na nga, wala na akong magawa pa.
Buwan ng Wika Culmination 2019 |
Noong Agusto 30, 2019, ipanagdiriwang ng Philippine Science High School - Central Mindanao Campus ang Buwan ng wika.
Estudyante: Filipino Attire |
Guro: Filipino Attire |
Nag-suot ng mga Katutubong Kasuotan at mga Modernong Pilipinyana ang mga Guro pati na rin ang mga kabaatan ng PSHS-CMC.
Lakan at Lakambini 2019 |
Pag-dating namin sa paaralan, dumeretso na kami sa gym para masaksihan ang programa at ang Lakan at Lakambini 2019. Inaantay din namin ang mga resulta kung sino ang nanalo sa Sports festival at iba pang mga contests tulad ng vlog at bench cheering.
Intemerata '23 Lakan at Lakambini |
Nag-simula na ang Lakan at Lakambini. Nakapasok ang dalawa naming pambato na sina Fiorella Aniceto at Warrien Acut sa Top 3. Ang Top 3 ay ipinapasagot ng mga tanong sa pamamagitan ng pag-analyze ng mga litrato na may kinalaman sa katutubo at kalikasan.
Lakan at Lakambini 2019 Champion |
Kinoronahan bilang Lakan at Lakambini 2019 sina Valerie Yuson (Batch Bolinaw '22) at Kyle Ocsio (Batch Encalypta '20). 1st runner up naman sina Julia Barrera (Batch Conexus '21) at Warrien Acut (Batch Intemerata '23) habang 2nd runner up naman sina Geovan Monera (Batch Encalypta '22) at Fiorella Aniceto (Batch Intemerata '23).
Aniceto Acut, Lakambini Lakandula '19 |
Pag-katapos ng Lakan at Lakambini. Inaanunsyo na ang mga panalo ng vlog at Bench Cheering. Panalo ang Grade 9- Inetemerata sa Vlog at panalo naman ang Grade 9- Intemerata sa Bench Cheering. Natalo namin ang Conexus na siyang undefeated champion sa Bench Cheering. Marami ang natutuwa para sa amin kasi noong unang dalawang taon, wala talaga kaming napapanalunan.
"Zero to Hero ang batch natin", sabi ni Shan Kemp Olino (Batch Intemerata '23).
"Zero to Hero ang batch natin", sabi ni Shan Kemp Olino (Batch Intemerata '23).
Namigay din nang mga kakanin ang FPTA para sa amin lahat at nag-conduct ng pictorial by batch.
Kakanin Models |
Intemerata '23 Batch Picture |
Habang wala na kaming magawa, nag-picture naman kaming mag-barkada para may remembrance kami sa masayang araw.
Incomplete but Gold |
Incomplete but Gold |
Hindi kami pwedeng bumaba galing sa eskwelahan kapag hindi namin nalinisan ang aming mga silid-aralan. Medyo marumi talaga ang silid aralan ng 9-Potassium dahil dito namin isinasagawa ang pag-gawa ng mga props para sa bench cheering.
Natapos na ang 3 araw na kasiyahan ng CMC.
No comments:
Post a Comment